MENU

By: Kimberlei Baldado

Dalawang estudyante ng Philippine Science High School – Cagayan Valley Campus ang pasok sa 18th Philippine Mathematics Olympiad — Area Stage na ginanap noong ika–14 ng Nobyembre 2015 sa Cagayan State University, Tuguegarao City, Cagayan.

Ang mga nasabing estudyante ay sina Christlen Carlo Olivares ng 9 – Curium at Carlos Lorenzo Guerrero ng 10 – Muon.

Ang kanilang pagka–kwalipika sa nasabing kompetisyon ay dala ng kanilang pagsali at pamamayagpag sa 18th PMO Elimination Round na idinaos naman noong ika– ng Nobyembre 2015 sa parehong paaralan. Sa patimpalak na ito, sampung estudyante ng ating paaralan ang nakilahok.

Ayon kay Ginoong Ronald Navalta na nagsilbi bilang kanilang tagapagsanay, ang kanilang problem solving skills, at lalong–lalo na ng kanilang dedikasyon ang nagdala sa kanila sa nasabing tugatog.

By: Kimberlei Baldado

Tatlong estudycante at isang guro ng Philippine Science High School – Cagayan Valley Campus ang lumahok sa 12th World Robotics Olympiad na ginanap noong Nobyembre 7–10, 2015 sa prestihiyosong Al Shaqab Equestrian Facility sa Doha, Qatar.

Ang mga nasabing estudyante ay sina Cedric Catacutan, John Paolo Lumanlan at Reymar Tutaan na pawang nasa ika–sampung baitang at si G. Jenshiam Balgua na nagsilbi bilang kanilang tagapayo.

Dinaluhan ng mahigit sa 3000 estudyante na kumakatawan sa 47 bansa ang WRO.

Nasa ikatlong mesa ang grupo sa ginanap na WRO eliminations kung saan ay kasama nila ang ibang mga grupo galing sa bansang Greece, Iran, Japan, Qatar at anim na iba pa.

“Iba yung feeling kasi taga–ibang bansa sila, feeling mo ang gagaling nila pero nung nagco–compete na, parang normal na lang kasi pare–parehas kayo ng ginagawa,” ani Reymar tutaan nang siya’y tanungin kung kamusta naman ang kanilang pakikipaglaban sa mga taga–ibang bansa.

Ang kanilang pakikilahok sa nasabing kompetisyon ay dahilan ng kanilang pagkapanalo sa nakaraang 14th Philippine Robotics Olympiad na idinaos naman noong ika–6 hanggang ika–8 ng Nobyembre 2015 sa SM North Edsa Cyberzone.

Nagtapos sa pangatlong pwesto sa PRO ang Team A na binubuo nina Catacutan at Lumanlan, habang ang Team B naman ay hindi pinalad na makakuha ng pwesto. Ganunpaman, ito ay binubuo nina Precious Jane Guerrero at Tutaan.

Ayon kay Balgua, makikitang interesado umano ang mga estudyanteng nabanggit sapagkat bakasyon pa lamang ay nagsasanay na sila para sa patimpalak. Nagtapos sa pang–40 pwesto sa WRO ang grupo. Ang pangalan ng kanilang grupo ay Pisay 2020.

By: Harold V. Gallo

Even a calamity can't stop the Philippine Science High School System (PSHSS) in its quest for continues transformation.

The Office of the Executive Director (OED) through its top honcho Dr. Larry L. Cabatic led all the campuses in the Physical and Financial Planning Workshop for 2016 and Budget Preparation for 2017 at Baguio City, October 19–23, 2015.

Participants have to go through the brunt and ravages of typhoon Lando to partake in the planning and workshops.

In fact, the delegates of PSHS–Cagayan Valley Campus headed by Dr. Salvador B. Romo came in late because of impassable roads in Sta. Fe and Benguet–Nueva Vizcaya route due to torrential rains that caused landslides.

Enthemed "Continuing Transformation", the activity was participated by campus director chiefs of the Finance and Administrative Division (FAD), Curriculum and Instruction Services Division (CISD) and Student Services Division (SSD), budget officers and accountants of the Philippine Science High School System, respectively.

Deputy Executive Director Dr. Rod Allan De Lara, presented the accomplishments, status of fund utilization, infrastructure road map in relation to K to 12.

He also presented the draft of rationalization plan for the employees of PSHS System in the coming years.

Furthermore, a workshop by cluster was also conducted to discuss accomplishments, concerns, fund utilization and update.

By: Kimberlei Baldado

Namayagpag si Christlen Carlo Olivares sa nakaraang Provincial Tourism Quiz Bee na ginanap noong ika–22 ng Setyembre 2015 sa Provincial Capitol, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Matapos ang mapait na pangalawang pwesto noong nakaraan taon, tinalo ni Olivares ang 34 na iba pang kalahok sa nasabing kompetisyon, dahilan upang siya’y itanghal na kampeon.

Dahil sa kanyang pagkapanalong ito, siya’y kwalipikado sa Regional Tourism Quiz na ginanap naman sa Cabarroguis, Quirino noong ika–24 ng Setyembre 2015, kung saan naman siya nagwagi ng ikalawang pwesto, sunod sa pambato ng Quirino.

Ayon kay Bb. Chrisitne Ordinario, kanyang naging tagapagsanay, kinakailangan lamang umano ni Olivares ng mas matinding pagsasanay upang sa susunod na taon ay siya na ang tanghaling panalo sa rehiyon.

Sa kabuuan, nanalo si Olivares ng walong libo at limandaang piso mula sa mga nasabing patimpalak.

By: Harold V. Gallo

In less than five hours, the employees of Philippine Science High School – Cagayan Valley Campus engaged in productive educational sessions about various topics in the second day of the Gender and Development activities held at Davao City on October 8.

Topnotch lawyers from Davao city rendered brief but intensive discussions on Gendered Leadership, Children's Rights and Anti–Bullying Law.

Atty. Arnold C. Aberon talked how gender affects leadership.

His discussion on children's rights by Atty. Marisue A. Llanes followed where she cited various cases about women and children's plight.

She highlighted the need to protect women and children because they are at risks to abuse and degradation.

The educational session capped with the discussion of the Anti–Bullying Law by Atty. Cheryll Ann C. Paronda.

Atty. Paronda, who is currently a judge in Davao, enlightened the employees about the importance of understanding bullying and the law on how to prevent its occurrence in the school.

The Judge is also the younger sibling of CISD Chief, Dr. Aimee Marie C. Gragasin.