ni: Shannie Faye C. Samson

Ginanap ang JS Promenade ng Philippine Science High School - Cagayan Valley Campus sa Highlander, Solano, Nueva Vizcaya noong Pebrero 15, 2014 na may temang “Glitter”. Hindi lamang  matitipuno at magaganda ang mga promenaders kundi sila rin ay tunay na mga talentado. Natatangi ang mga itinanghal ng mga Pisayers sa kanilang concert type production.

Bawat isa ay napakakinang sa sariling paraan at may kanya-kanyang istilo ang pananamit. Itinanghal na Dance Emperor si Ricardo Roxas at Dance Empress si Phoebe Laine Panis. Sina David Paz at Ma. Mikaela Angelika Sto. Tomas naman ang naging Rookie Movers. Kamangha-mangha naman ang kagandahan ni Miss Headturner na si Jasmine Interior at ang tikas ni Mr. Knockout na si Nelvinson Daquioag. Tunay naman na maharlika sina Emmanuel Gaffud at Rani Serquina nang makuha ang titulong Prom Prince at Prom Princess. Sa huli, kinoronahang Prom King si Jose Patricio Dumlao at Prom Queen Wilnice Rosario. #