by: Nicole Betina P. Pascual


Speaker, Brex Arevalo, Goal Alignment Deputy Head of the 2030 Youth Force in the Philippines, Inc., giving a talk on the SDGs.

Layuning linangin ang mga iskolar upang maging mga epektibong lider, ginanap ang ikalawang Project I.N.S.P.I.R.E. sa PSHS-CVC noong Nobyembre 18–19, 2017.

"Project INSPIRE is the flagship program, of the SSG which hopes to inspire the scholars to take leadership roles which will make them more responsible, committed and service–oriented leaders in school and in the community," ani G. Heherson Tolentino, tagapayo ng Supreme Student Government.

Pinangunahan ng SSG at ilang estudyante ng SCALE, binigyang–tuon ng nasabing programa ang Sustainable Development Goals ng United Nations sa tulong ni G. Brex Arevalo.

Ayon pa kay G. Tolentino, ang pagbibigyang–pansin umano sa SDGs sa nasabing seminar ay upang mabigyang–kamalayan ang mga dumalo na mayroong ganoong adbokasiya at mayroong malaking papel na ginagampanan ang kabataan sa pag–abot nito.

"The SDG entails a global commitment to ensure a sustainability of resources, and the Earth as a whole,” dagdag pa niya. Idiniin din ni G. Tolentino na ang mga ganitong programa ay kinakailangan upang siguraduhin ang holistic development ng mga iskolar.