ni: Alliah Czarielle J. Macato

Naging matagumpay ang  Humanidades  Filipino  Subgroup sa kanilang paggunita ng Buwan ng Wika na may temang “Wika ng Pagkakaisa” na isinagawa sa PSHS-CVC noong ika-15 ng Agosto 2014.

Ang nasabing pagdiriwang ay naging kaabang-abang dahil sa kompetisyon sa pagitan ng tatlong koponan na binubuo ng mga estudyante. Ang kabuuang populasyon ng mga estudyante’y nahati sa tatlong pangkat na pinangalanang Kasipagan, Karunungan at Katapangan.

Ang Larong Pinoy ay Larong Pisay… Palakasan ng katawan, patalasan ng isipan,  liksi at kagalingan iyan ang batayan”, wika ni Patrice S. Bumanlag,  ang  pangulo ng Humanidades  Filipino Subgroup sa kanyang pambungad na mensahe.

Ang magkakatunggaling koponan ay nakiisa sa mga iba’t ibang patimpalak katulad ng Listahaaaaan, Malikhaing Tula, A BST BHL K N!, Anong What?, Huwag Maliitin at iba pa. May tanungan din patungkol sa bugtong sa iba’t ibang grupo upang makakuha ng dagdag puntos.

Natapos ang buong selebrasyon ng  Buwan ng Wika 2014 sa pamamagitan ng paggawad ng parangal sa mga estudyanteng nagpakita ng angking kakayahan at galing sa iba’t ibang paligsahan na pinangasiwaan ng mga guro sa Filipino Unit. Nakamit ng Kasipagan ang titulong Kampeon, sila’y sinundan ng koponan  ng Katapangan at Karunungan.#