By: Nicole Bettina Pascual

Muli na namang napatunayan ng ilang mag–aaral ng PSHS–CVC ang kanilang angking galing sa iba't ibang larangan matapos nilang magwagi ng ilang parangal sa Valleygsahan 2016 na ginanap sa Bambang National High School noong Disyembre 18-19, 2016.

Itinanghal na ikatlong pwesto ang PSHS–CVC na nakakuha ng pangkabuuang 25 puntos. Bagaman hindi napanatili ang kampeonato sa nasabing paligsahan ay bilib pa rin diumano ang tagapagsanay na si Gng. Christine Ordinario, sa ipinamalas na performans ng mga ito.

Ang mga parangal na natanggap ng mga estudyante ay ang mga sumusunod:

Quiz Show – Team A, Ikalawang Pwesto (Rench Consumido, Beaver Caraan, Christlen Olivares)

Ikatlong Pwesto – Team B, (John Lian Catli, Marthus Gombio, Domenico Rafael)

Debate – Ikatlong Pwesto (JB dela Cruz, Nicole Bettina Pascual, Jitka Quinagoran)

Essay Writing – Ikalawang Pwesto (Trigger Balitang)

Pagsulat ng Sanaysay – Ikalawang Pwesto (Angelica Gabatino)

Dagliang Talumpati – Ikalawang Pwesto (Diana Jean Daguro)

Ang Valleygsahan ay isang taunang patimpalak na inoorganisa ng UP Lambak, isang organisasyon ng mga estudyante ng UP Diliman na mula sa ikalawang rehiyon.