Sa panulat ni: Bb. Maria Kimberlei Baldado

Pag-aabot ng tulong pangkalusugan bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng Pamilyang PSHS–Cagayan Valley Campus.

Tinatayang 150 mamamayan ng Pawac, Masoc, Bayombong at Dulli, Ambaguio ang nahandugan ng serbisyong medikal at dental mula sa Pamilyang PSHS-CVC noong Hulyo 7, 2016 na ginanap sa Pawac Elementary School.

Ang isinagawang Outreach Program ay bahagi ng pagdiriwang ng ika–20 anibersaryo ng PSHS-CVC na nakapokus sa pagbibigay-halaga at pagpapatibay sa kalusugan ng mga mamamayan sa lokal na komunidad. Layunin nito na makapagbigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga bata, matatanda, kalalakihan, kababaihan, at sa mga senior citizens.

Naisakatuparan ang Programa sa pamamagitan ng bukas na pagbibigay ng tulong at oras ng mga Parent Doctors ng mga iskolar ng PSHS-CVC, ang pagpapamudmod ng school supplies sa mga estudyante ng Pawac Elementary School mula sa Pamilya Cornel, gayundin ang pakikibahagi ng mga guro at istaf, ang pakikilahok ng mga kawani ng PHO (Provincial Health Office), at higit sa lahat ang mainit na pagtanggap ng mga residente.

“Special thanks to Philippine Science High School-Cagayan Valley Campus for choosing Pawac ES as the venue of your noble purpose—the Medical and Dental Mission for the communities of Pawak, Masoc, Bayombong and Dulli, Ambaguio. Thank you for celebrating with us your 20th Founding Anniversary and thank you more Sir Salvador Romo (PSHS-CVC Director), your staff, your stakeholders and of course to Sir Ronald Navalta for sharing us your blessings. We couldn’t find the right words to say Thank you. The people of Pawac were so happy because the medical and dental clinics came over to serve them. May your tribe increase. God bless and more power to Pisay!” Ito ang mensahe ng pagpapasalamat ni Gng. Celia S. Valera, ang tagapamuno ng Pawac Elementary School sa PSHS-CVC.