MENU

By: Nicole Bettina Pascual

Kwalipikadong sumali sa darating na National Schools’ Press Conference ang walong estudyante ng PSHS–CVC matapos ang kani–kanilang pagkapanalo sa nakaraang RSPC.

Nakamit ng pitong estudyanteng bumubuo sa Rdio Broadcasting English Team ng ating institusyon ang pangkabuuang kampeonato sa kategoyang Radio Broadcating. Nakuha naman ni Fredelito B. Liquigan Jr. ang ikatlong pwesto sa Pagwawasto at Pagsusulat ng Ulo ng Balita — Filipino.

Samantala, pasok rin sa NSPC ang dalawang publikasyon ng paaralan. Itinanghal na pinakamahusay na pahayagang pampaaralan sa sekundarya ang "The Pisay Explorer" at naigawad naman sa "Ang Siklab" ang ikawalong pwesto.

Gaganapin ang darating na NSPC sa Pagadian City, Zamboanga sa Enero 24–27, 2017.