ni: Christigale Y. Sacobo



Isinagawa ang Ikalawang Leadership Training o Leadership Camp ng Philippine Science High School - Cagayan Valley Campus na ginanap sa Academic Building 2 ng paaralan noong Agosto 21, 2014. Naitalagang mahigit isang daang student leaders mula grade 7 hanggang ikaapat na taon ang sumali na siyang pinamunuan ng mga opisyales ng Supreme Student Government kasama ang kanilang adviser na si G. Jay-Ar A. Mapilis.

Layunin ng naturang training na ipabatid sa mga mag-aaral ang mga tungkulin at responsibilidad ng isang tunay na lider. Ipinapahiwatig din nito ang tunay na kahulugan, katangian at prinsipyo ng isang lider ng ikadalawampu’t isang siglo kalakip ang isang pamamahalang nakatuon sa serbisyo.

Ang training ay isinagawa sa loob ng isang araw. Sa unang dalawang bahagi, ang mga panauhing tagapagsalita ay sina Atty. Catherine Mae L. Alberto at G. Anjelo R. Cabigting ay nagbahagi ng kanilang kaalaman at karanasan kung paano maging isang magaling na lider. Ang mga kalahok ay nahati sa sampung pangkat para sa mga aktibidad na makatutulong sa kanilang internalization ng kanilang mga kakayahan.

Sa huling bahagi, muling nahati sa tatlong koponan ang mga kalahok para sa team building activities na inihanda ng SSG officers. Sadya ngang makahulugan ang katagang, “It takes more than duties and responsibilities to become a leader.”#