By: Kimberlei Maria D. Baldado


Mga Empleyado ng PSHS-CVC, Kasama ang tagapagsalitang si Gng. Vargas (ika–lima mula sa kanan), na nagpakuha sa kamera, gamit ang Stop VAW pose, bilang pakikiisa sa #VAWfreePh

Muling pinagtibay ng mga kawani ng Philippine Science High School–Cagayan Valley Campus ang kaalaman sa Gender and Development sa pamamagitan ng pakikilahok sa GAD Seminar on Planning and Budgeting na ginanap sa Boracay noong Nobyembre 28–30, 2016 sa tulong ng panauhing tagapagsalitang si Gng. Maranatha Estrada–Vargas, ang Local Area Coordinator of the PCW–AECID MCW sa probinsiya ng Aklan (Philippine Commission on Women–Agencia Española de CooperacionInternacionalpara el Desarollo) kung saan binigyang–diin ang mga pamamaraan tungo sa pagpapaloob ng GAD sa mga pampaaralang gawain at programa.

Ilan sa mga tinalakay sa seminar ay ang iba’t ibang batas at hakbang na makatutulong sa mga kababaihan at kalalakihan mula sa mga isyung pangkasarian (gender issues),”Equal treatment doesn’t mean the same treatment”, wika ng ispiker, na ipinaliwanag ang mga kadahilanan kung bakit maraming batas ang itinutulak para sa kapakanan ng mga kababaihan . Bukod dito ay pinalawak din ang kaalaman sa kung paanong paraan mapalalaganap ang GAD sa paaralan. “There should be attribution. We should sprinkle GAD on different regular school programs to strengthen it.” (Vargas), kung saan inilahad niya ang mga posibleng pagkakataon na maipaloob ang GAD sa mga gawain o program sa paaralan.

Isa rin sa nakapukaw ng atensyon ng mga kalahok ang ang pagbabahagi Gng. Vargas, nang ipakita at ipaliwanag nito ang ukol sa MOVE (Men Opposed to Violence Against Women) na naglalayong gawing malaking bahagi ng VAW (Violence Against Women) ang mga kalalakihan mula sa mga pribado at publikong sektor. Inanyayahan at hinikayat ng ispiker ang mga kawaning kalalakihan ng PSHS–CVC na makilahok at makiisa at bumuo ng grupong MOVE sa sariling nasasakupan o probinsiya para sa puspusang pagpapalaganap ng GAD.

Bukod sa nasabing seminar, ay nagkaroon din ng Team Building Activity ang mga empleyado ng PSHS–CVC, Nobyembre 29, 2016, na inihanda ng ilan sa mga guro at istaf na nagsilbing tagapagdaloy. Ito ay bilang bahagi pa rin ng GAD tungo sa pag–unawa at pagkakakilanlan ng bawat kasarian sa iba’t ibang aspeto at larangan.

Ilan lamang ang mga ito sa mga hakbang na isinasagawa ng PSHS–CVC tungo sa pagpapaangat sa kamalayan at pagpapalaganap ng Gender and Development upang lubos na maging mabisang mga instrumento sa pagsugpo sa mga isyu at suliraning pangkasarian.